Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig. Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal at nasawi nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani. Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata. Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit kinukubli ng pusong lumaki sa mga engaknto’t diwata.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal, nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan. Ipamalas ang mga katotohanang nasaksihan nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

At sa mga nananatiling nakaupo:

Mangyari lamang ay dahan-dahang tumayo papalabas sa nakangangang pinto. Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang na nagpalaki ng halimaw.

At sa lahat ng naiwang nakatayo:

Mangyari lamang ay hagkan ang isa’t isa at yakapin ang mga sugatan.
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan.

Manatiling masaya. At higit sa lahat, magpatuloy sa pagmamahal.

“Mangyari Lamang” by Rico Abelardo

Thank you, God, for people like Bobby Guevara, who teach you that love is hard but always worth it.

This was posted 3 months ago. It has 5 notes.

“Mangyari Lamang” ni Rico Abelardo

teamfrankiee:

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.

Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan, ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang mga paghahagulhol sa dilim.

At sa mga nanatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang na nagpalaki ng isang halimaw.

At sa lahat ng mga nakaiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa, at yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya, at higit sa lahat, m
agpatuloy sa pagmamahal.

——————————————————————————————-

A beautiful Tagalog poem read to us today by our Theology professor, Bobby Guev. May we never forget what truly matters in life.

There are only a few teachers I’ve encountered in university who truly made an impact on my life. Bobby Guev, for all his difficult quizzes and mind-blowing tests, certainly did and still continues to do so. As he was reading this poem during the opening prayer for our Theology 141 class earlier today, I looked to my side and saw @teamfrankiee tear up. I have to admit that I did, too. This man gave me the kind of legendary Ateneo education I have always wanted to experience, and for this I am truly grateful.  

(Source: inthewilde)

This was posted 4 months ago. It has 31 notes.